Sina Kong Xuanyou, Aide ng Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang Japanese counterpart na si Takeo Akiba
Idinaos Abril 4, 2017 sa Tokyo ang regular na pag-uusap sa pagitan ng Tsina at Hapon. Dumalo sa pagtitipon si Kong Xuanyou, Aide ng Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang Japanese counterpart na si Takeo Akiba. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-Hapones at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Ipinahayag ni Kong na sa ika-45 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng normal na relasyong Sino-Hapones, umaasa ang Tsina na tutupdin ng Hapon ang pangako nito sa mga sensitibong isyu, at maayos na isasagawa ang aktibidad para mapabuti ang relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag naman ni Takeo Akiba na pinahahalagahan ng Hapon ang relasyong Sino-Hapones. Aniya, sa ika-45 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng normal na relasyong Sino-Hapones at ika-40 anibersaryo ng paglalagda ng Tratadong Pangkapayapaan at Pangkaibigan ng Tsina at Hapon, umaasa siyang maayos na malulutas ng dalawang panig ang alitan at mapapalawak ang pagpapalitan para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones.