Idinaos kahapon sa Beijing ang kauna-unahang diyalogong pampulitika sa mataas na antas sa pagitan ng Tsina at Hapon. Magkasama itong pinanguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Syotaro Yachi, Puno ng Awtoridad na Panseguridad ng Hapon.
Ipinahayag ni Yang ang pag-asang ipapatupad ang apat na dokumentong pampulitika na nilagdaan ng Tsina at Hapon, at gagawing salamin ang kasaysayan sa pananaw sa hinaharap, para mapabuti ang relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag naman ni Syotaro Yachi na umaasa ang Hapon na mapapabuti ang relasyong Sino-Hapones. Igigiit aniya ng Hapon ang komong palagay hinggil sa pagiging estratehikong magkatuwang ng dalawang bansa at hindi pagbabanta sa isa't isa. Nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.