Nakipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Abril 2017, sa Helsinki, Finland, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Juha Sipilä ng Finland.
Binigyan ni Xi ng positibong pagtasa ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Finland, at natamong mga bunga ng dalawang bansa sa kooperasyon nitong ilang taong nakalipas. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Finland, na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Umaasa rin si Xi, na patitingkarin ng Finland ang mas proaktibong papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Europeo.
Ipinahayag naman ni Sipilä ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyon ng Finland at Tsina. Nakahanda aniya ang Finland na palawakin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina. Ipinahayag din niya pagkatig ng Finland sa pagpapasulong ng relasyon ng Europa at Tsina.
Salin: Liu Kai