Nakipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Abril 2017, sa Helsinki, Finland, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Ispiker Maria Lohela ng Parliamento ng Finland.
Sinabi ni Xi, na ang nagdaang taon ay ika-60 anibersaryo ng pagsisimula ng pagpapalagayan ng mga lehislatura ng Tsina at Finland, at ang kooperasyon ng dalawang panig ay mahalaga para sa relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa pagpapabuti ng umiiral na mekanismong pangkooperasyon ng mga lehislatura ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Lohela ang kahandaang palalimin ang pagpapalagayan ng mga lehislatura ng Finland at Tsina, lalung-lalo na ang pagpapalitan ng mga batang kongresista ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai