Ipinahayag nitong Martes, Abril 4, 2017, ng panig pulisya ng Sabah, Malaysia na upang mapigilan ang banta ng Abu Sayyaf Group mula sa katimugan ng Pilipinas, pinahaba ng Sabah ang curfew hanggang ika-20 ng kasalukuyang buwan.
Ayon sa kapulisan, sa panahon ng curfew, kailangang manatili sa tirahan ng mga mamamayan mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga bawat araw. Ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga migrants sa mga curfew regions sa panahong iyon. Layon nitong pigilin ang pagsalakay ng mga armadong tauhan at maigarantiya ang seguridad ng mga residente at turista doon.
Salin: Li Feng