|
||||||||
|
||
Cebu, Pilipinas — Ipininid nitong Biyernes, Abril 7, 2017, ang Pulong ng mga Ministro ng Pinansiya at Puno ng mga Bangko Sentral ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Narating ng mga kalahok ang komong palagay sa mga temang gaya ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng ASEAN, pagpigil at pag-iwas sa posibleng bantang dulot ng trade protectionism, at paggarantiyang magkakasamang makikinabang ang mga mamamayan sa rehiyong ito sa pag-unlad ng kabuhayan.
Sa isang magkakasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, sinabi nito na patuloy na pasusulungin ng ASEAN ang paglaki ng kabuhayan, palalakasin ang integrasyon at katatagang pinansiyal, at isasagawa ang maluwag na patakarang pinansiyal at maingat na macro-measures. Layon nitong mapasulong pa ang kabuhayan sa rehiyong ito.
Dagdag pa nito, sa kasalukuyan, napakalinaw ng bentahe ng ASEAN sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Mananatiling mahalagang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang panrehiyon ang pangangailangang panloob.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |