Sa Beijing, Tsina—Isinapubliko dito kahapon ang dalawang bagong aklat na pinamagatang "China-ASEAN Economic Partnership: Driving Asia's Growth" at "China-ASEAN: Cooperation and Development."
Ang bersyon sa Ingles ng "China-ASEAN Economic Partnership: Driving Asia's Growth" ay magkasamang kinatha nina Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council, at Pushpanathan Sundram, dating Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Secretaryat ng ASEAN. Inanalisa ng naturang aklat ang relasyon ng Tsina at ASEAN batay sa pandaigdigang anggulo. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng dalawang mangangatha, sinariwa rin ng aklat ang proseso ng pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, nitong nakalipas na 20 taon, at iniharap ang pragmatikong mungkahi tungkol sa pagpapasulong ng ganitong kooperasyon.
May 2 bahagi naman ang aklat na "China-ASEAN: Cooperation and Development." Ang unang bahagi ay isinulat ni Xu Ningning. Sistematikong inilahad nito ang katayuan ng ASEAN bilang priyoridad ng diplomasya at kalakalang panlabas ng Tsina sa mga kapitbansa. Gumawa rin ito ng pagtanaw sa malawakang prospek ng kooperasyon ng kapuwa panig sa hinaharap. Ang ika-2 bahagi naman ay kinatha ni Luan He, Punong-Patnugot ng Departamento ng Balitang Pandaigdig ng Pahayagang "China Trade News." Batay sa pinakahuling kalagayang pulitikal at ekonomiko ng mga bansang ASEAN, isinalaysay niya sa aklat ang kalakalan at bagong pagkakataong komersyal ng pamumuhunan ng 10 bansang ASEAN.
Salin: Vera