Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Abril 7, 2017, kay Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, ipinahayag ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, na ang madalas na pagdadalawan ng mga mataas na lider, at mabungang kooperasyong Sino-Thai sa iba't-ibang larangan ay hindi mai-hihiwalay sa pagpapahalaga at pagpapasulong ng Thai Royal Family. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Thai para mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa at maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Princess Sirindhorn ang pasasalamat sa palagiang ibinibigay na pagkatig at tulong ng panig Tsino sa iba't-ibang larangan. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng siyensiya't teknolohiya, edukasyon, at agrikultura. Nakahanda aniya siyang patuloy na magsikap para sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng