Pagkaraan ng pagtatagpo ng mga pangulo ng Myanmar at Tsina, ipinahayag Lunes, Abril 10, 2017, ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na ang pagdalaw ni Pangulong U Htin Kyaw ng Myanmar sa Tsina ay matagumpay. Ito ay mahalaga dahil ang relasyong pangkaibigan ng Myanmar at Tsina ay pumapasok sa bagong yugto, at ito ay makakabuti sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.
Isinalaysay ni Liu na, 9 ang kasunduan ng kooperasyon na nilagdaan ng dalawang panig at kabilang dito ang kasunduan ng oil pipeline sa pagitan ng Tsina at Myanmar. Pagkaraan ng paglagda ng kasunduan, agad na gagamitin ang pipeline, at ito ay inaasahang magdudulot ng malaking benepisyo para sa 2 bansa. At ang iba pang mga kasunduan ay hinggil sa Special Economic Zone ng Kyaukphyu, kalusugan, palakasan at transportasyon.
salin:Lele