|
||||||||
|
||
Nagpakita ito ng simula ng pagsasaoperasyon ng krudong oil pineline sa pagitan ng Myanmar at Tsina. Palatandaan rin ito ng panibagong yugto ng kooperasyong pang-enerhiya ng dalawang bansa.
Ang nasabing pagsasaoperasyon ay ginawa makaraang lumagda ang dalawang bansa ng Crude Oil Pipeline Transmission Agreement sa Beijing, Tsina nang araw ring iyon.
Ang nabanggit na crude oil pipeline ay nag-uugnay sa Made Island oil port at lalagiwang Yunnan ng Tsina. Ang pipeline na may habang 771 kilometro ay dumaraan ng Rakhine state, Magway region, Mandalay region at Shan state ng Myanmar.
Ang langis na inihahatid sa oil pipeline ay galing sa Gitnang Silangan. Umaabot sa 22 milyong tonelada ang taunang transmission capacity ng oil pipeline. Kabilang dito, dalawang milyong tonelada ay gagamitin ng Myanmar at 20 milyon ay ihahatid sa Tsina.
Ang 140,000 toneladang crude oil tanker Suezmax na nakahandang magdiskarga ng krudong langis sa Made Island oil port, Myamar, April 10, 2017. (Xinhua/Zhuang Beining)
Mga manggagawang nagtatrabaho sa Made Island oil port, Myamar, April 10, 2017. (Xinhua/Zhuang Beining)
Mga crude oil tank sa Made Island oil port, Myamar, April 10, 2017. (Xinhua/Zhuang Beining)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |