Ipinahayag kamakailan ni Sein Win Aung, Tagapangulo ng Myanmar-China Friendship Association (MCFA) na ang kooperasyon ng Myanmar at Tsina sa edukasyong bokasyonal ay hindi lamang nakakatulong sa pag-aaral ng mga mahihirap na estudyante ng Myanmar, kundi nagtuturo sa mga talento para sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansang ito.
Sinabi pa niyang dapat patuloy na katigan ng dalawang bansa ang kooperasyon sa edukasyong bokasyonal.
Nitong ilang taong nakalipas, buong sikap na pinasusulong ng MCFA ang pag-unlad ng edukasyon ng Myanmar. Kaugnay nito, sinabi niyang ang edukasyong bokasyonal ay nakakabuti sa pagpapawi ng mga kahirapan.
Bukod dito, sinabi niyang sa pamamagitan ng kooperasyon sa edukasyon, pinalalim ang pagkaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.