Nakipag-usap Lunes, Abril 10, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay U Htin Kyaw, Pangulo ng Mynamar at kapuwa sinang-ayuan ng dalawang panig na igiit ang tradisyonal na pagkakabigan, igalang ang isa't isa at patuloy na pasulungin ang pagiging malusog at matatag ng relasyong Sino-Myanmar para magdulot ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na bilang magkapitbansa na may malalimang pagkakabigan, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, nitong 67 taong nakalipas, mataas na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon nila ng Myanmar at nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng panig Myanmar para mapataas ang kani-kanilang komprehensibong estratehikong kooperasyon at maging magandang kapitbansa, magandang kaibigan, magandang kapatid at magandang katuwang sa mahabang panahon.
Ipinahayag naman ni U Htin Kyaw, na hindi malilimutan ng Myanmar ang tulong at malakas na suporta na ibinigay ng Tsina sa aspekto ng pag-unlad ng bansa at sa mga okasyong pandaidig. Igigiit aniya ng Myanmar ang patakarang isang Tsina at aktibong kakatigan at lalahukan ang "Belt & Road" Inititive na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran.