Nag-usap Abril 10, 2017, sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulo Htin Kyaw ng Myanmar.
Ipinahayag ni Premyer Li na bilang mapagkaibigang magkatuwang at magkapatid, positibo ang Tsina sa pagtahak ng Myanmar sa landas na pangkaunlarang angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para palawakin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang antas at larangan, para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Myanmar sa mas mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Pangulo Htin Kyaw na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Myanmar. Nakahanda aniya ang Myanmar na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa imprastruktura, agrikultura, at pamumuhay ng mga mamamayan. Magsisikap aniya ang kanyang bansa para pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya siyang tutulungan ng Tsina ang Myanmar sa pagpapasulong sa prosesong pangkapayapaan ng bansa.