Isang malawakang seremonya ng pagbubukas ng Water-Sprinkling Festival ang pinasinayaan nitong Huwebes, Abril 13, 2017, sa Yangon, Myanmar. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa seremonya si Phyo Min Thein, Gobernador ng probinsyang Yangon.
Ang Water-Sprinkling Festival ay pinakamahalagang kapistahan ng Myanmar. Sa bansang ito, ang tubig ay sumasagisag sa kalinisan at kaligayahan. Ipinalalagay ng mga mamamayan ng Myanmar na puwedeng malinis ang lahat ng dating kasamaan sa pamamagitan ng pagdiriwang sa kapistahang ito upang salubungin ang isang magandang taon.
Salin: Li Feng