Magkahiwalay na idinaos kamakailan sa Myanmar at Pilipinas ang "China, Fujian Week." Isiniwalat Miyerkules, ika-5 ng Abril, 2017, ng Tanggapan ng Mga Suliraning Panlabas ng Pamahalaan ng Lalawigang Fujian, na sa panahon ng nasabing aktibidad, narating ang mahigit 30 cooperation intension, bagay na makakatulong sa pagpapasulong ng komprehensibong pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Fujian at Myanmar at Pilipinas.
Ayon sa naturang tanggapan, sa pamamagitan ng kasalukuyang "China, Fujian Week," pinahigpit ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at ibayo pang pinasulong ang mapagkaibigang relasyon ng Fujian at Lalawigang Mandelay ng Myanmar at Cebu ng Pilipinas. Ang nasabing aktibidad ay makakabuti rin sa pagpapalalim ng pagpapalitan ng tatlong panig sa larangan ng kultura, at pagpapasulong sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkooperasyon.
Salin: Vera