Sa panahon ng Porum sa Kooperasyong Panturismo ng Tsina at Myanmar, na ginaganap ngayon sa Naypyitaw, Myanmar, idinaos kahapon, Miyerkules, Marso 1 2017, ang debut ng Myanmar version ng Travel Guide Beijing. Ito ang kauna-unahang aklat hinggil sa paglalakbay sa Tsina sa wikang Myanmar.
Ang naturang aklat ay ginawa ng China Radio International. Sa pamamagitan ng mga teksto at larawan, isinalaysay nito ang mga detalyadong nilalaman hinggil sa Beijing, na kinabibilangan ng kalagayan, kasaysayan, mga lugar na panturista, at pagsho-shopping. Nakasaad din sa aklat ang mga impormasyong panturista, na gaya ng travel tips, kalagayan ng transportasyon, presyo ng tiket ng mga lugar na panturista, at iba pa.
Salin: Liu Kai