Ipinahayag Abril 12, 2017 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na hindi nito ilalagay ang Tsina sa listahan ng mga bansang nagmamanipula ng exchange rate. Winika ito ni Trump nang kapanayamin siya, nang araw ring iyon, ng Wall Street Journal.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 13, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na positibo ang Tsina sa pahayag ng panig Amerikano. Hindi aniya mababago ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng exchange rate ng RMB. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para ibayong palawakin ang matatag, balanse at pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabnagan.