Ipinahayag Nobyembre 9, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipagpapatuloy ng Tsina ang mapagkaibigang pakikipagtulungang sa mga kapitbansang kinabibilangan ng Pilipinas at Malaysia, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon. Ito aniya'y angkop sa interes ng mga mamamayan nito.
Sinabi ni Lu na magkasunod na dumalaw kamakailan sa Tsina sina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia. Aniya, narating ng mga liderato ng tatlong bansa ang pagkakasundo hinggil sa ibayong pagpapasulong ng bilateral na pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pagpapalalim ng tradisyonal na pagkakaibigan.
Binigyang-diin ni Lu na ang paglakas ng pakikipagtulungan ng naturang mga bansa sa Tsina ay naglalayong pasulungin ang kapayapaang panrehiyon sa pamamagitan ng diyalogo, at isakatuparan ang kaunlarang panrehiyon sa kooperasyon.