Si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
Ipinahayag Nobyembre 7, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananatiling mainam at malusog ang tunguhing pangkaunlaran ng kalagayan sa South China Sea(SCS). Umaasa aniya siyang igagalang ng mga bansang walang direktang kinalaman sa isyu ng SCS ang isinasagawang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa magkasanib na pahayag na ipinalabas kamakailan sa Beijing ng pamahalaang Tsino at Malaysian. Ipinahayag ng dalawang panig ang pag-asang malulutas ng mga lehitimong bansang may direktang kinalaman sa isyu ng SCS ang mga alitan, sa pamamagitan ng diyalogo, batay sa mga prinsipyo ng pandaigdigang batas. Anila pa, ang pakikialam ng mga walang kinalamang panig sa naturang isyu ay hindi makakatulong sa mapayapang paglutas sa mga ito.
Ani Lu, magkakasunod na dumalaw kamakailan sa Tsina sina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia. Mula sa bilateral na pag-uusap ng mga lider ng tatlong bansa at ilang magkasanib na pahayag, makikitang nagsisikap ang mga may-kinalamang panig para maibalik ang talastasan hinggil sa isyu ng SCS. Samantala, kasalukuyang umuunlad ang kalagayan ng SCS, sa mas konstruktibo at positibong direksyon, aniya pa.