Ipinatalastas nitong Martes, Arbil 18, 2017, ni British Prime Minister Theresa May na maagang idaraos ang pambansang halalan sa Hunyo 8,2017. Layon nito aniyang makatulong sa pakikipagtalastasan ng pamahalaang Britaniko sa Unyong Europeo (EU) tungkol sa "pagtalikod nito sa EU" at mas mainam na mapangalagaan ang pambansang kapakanan.
Noong Marso 29, 2017, pormal na ipinadala ni May ang mensahe kay Donald Tusk, Presidente ng European Council, na nagdedeklara ng pormal na pagpapasimula ng Britanya sa proseso ng "pagtalikod sa EU." Sakaling magsisimula ang prosesong ito, dapat matapos ang mga kaukulang talastasan sa loob ng dalawang taon.
Salin: Li Feng