Sa harap ng tumataas na ideya ng pagsasarili ng Scotland, ipinahayag nitong Biyernes, Marso 3, 2017, ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya, na makaraang tumalikod ang Britanya sa Unyong Europeo (EU), dapat igarantiya ang unipikasyon ng bansa. Aniya, ang parliamentong Britaniko ay pinili ng buong mamamayan nito, at dapat igarantiya ng pamahalaang Britaniko na rumeresponsable sa parliamento ang kabuuan at pagkakaisa ng buong bansa.
Ipinahayag niya na sa talastasan sa pagitan ng Britanya at EU, dapat igarantiya ang pangkalahatang kapakanan ng Britanya na kinabibilangan ng paghahanap ng mas maraming kapakanan para sa Scotland. Aniya pa, sa oras na ililipat ng EU ang kapangyarihan ng pagkontrol sa Britanya, matatamo ng Scotland ang mas maraming kapangyarihan.
Salin: Li Feng