Ayon sa resultang inilabas Martes, ika-18 ng Abril, 2017 ng Social Weather Stations (SWS), 78% ng mga mamamayang Pilipino ang natutuwa sa kampanya laban sa droga na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula noong ika-25 hanggang ika-28 ng Marso, isinagawa ng SWS ang mga face-to-face interview sa 1,200 mayor-de-edad ng buong bansa. Ipinakikita ng resulta ng poll na lubos na nasisiyahan ang 43% ng mga respondent, medyo nasisiyahan ang 35% respondent, lubos na hindi nasisiyahan ang 6%, at medyo hindi nasisiyahan ang iba pang 6%.
Ayon sa SWS, batay sa proporsyon ng mga nasisiyahang respondent at di-nasisiyahang respondent, ang net satisfaction rating ng mga Pilipino sa kampanya laban sa droga ay +66.
Salin: Vera