Nag-usap Abril 20, 2017 sa Beijing sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Hishammuddin Tun Hussein, Ministrong Pandepensa ng Malaysia.
Ipinahayag ni Yang na nananatiling mahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa ibat-ibang antas at larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa Malaysia, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative." Nananalig aniya siyang magtatamo ng mas malaking pag-unlad ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia, sa hinaharap.
Ipinahayag naman ni Hishammuddin, na positibo ang Malaysia sa pakikipagtulungan sa Tsina, at suportado ng Malaysia ang "Belt and Road Initiative." Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palalimin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig.