Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Ministri ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, noong nagdaang Pebrero, umabot sa halos 2.2 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Malaysia sa Tsina. Ito ay mas malaki ng 47.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trading nation ng Malaysia.
Napag-alamang ang halaga ng pakikipagkalakalan ng Malaysia sa Tsina ay katumbas ng 14.8% ng kabuuang halaga ng kalakalan nito na sinusundan ng Singapore at Unyong Europeo (EU).
Salin: Li Feng