Ulat hinggil sa nabigong subok-lunsad ng missile ng H.Korea, inilabas sa TV channel ng T.Korea
Sinabi ngayong araw, Linggo, ika-16 ng Abril 2017 ng panig militar ng Timog Korea, na sinubok kaninang umaga ng Hilagang Korea na ilunsad ang isang missile, pero nabigo ito. Kinumpirma naman ng Pacific Command ng tropang Amerikano ang pangyayaring ito.
Sa kasalukuyan, kapwa isinasagawa ng panig T.Koreano at Amerikano ang pag-aanalisa sa mga impormasyon ng naturang paglulunsad, na gaya ng uri ng missile.
Samantala, wala pang pahayag hinggil dito mula sa panig H.Koreano.
Salin: Liu Kai