Sinabi Martes, Abril 25, 2017, ni Athisit Chainuwat, Pangalawang Tagapagsalita ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Thailand, na aabuhin ang bangkay ni dating Haring Bhumibol Adulyadej sa ika-26 ng Oktubre. Inaprobahan na ng gabinete na gawing piyesta opisyal ang araw na ito, para bigyang-ginhawa ang pagdalo ng mga mamamayan sa maharlikang seremonya.
Nang araw ring iyon, isinapubliko ng website ng pamahalaang Thai ang konkretong petsa ng burol at libing. Idaraos ang maharlikang burol at libing mula ika-25 hanggang ika-29 ng Okbubre. Kabilang sa mga aktibidad ang paglilipat ng katawan sa pagdarausan ng cremation, paglilipat ng lalagyan ng abo sa palasyo at iba pa.
Yumao si Haring Bhumibol Adulyadej noong ika-13 ng Oktubre, 2016, sa edad na 89. Noong nagdaang Disyembre, umakyat sa trono bilang hari si Crown Prince Maha Vajiralongkorn. Idaraos ang seremonya ng koronasyon ng bagong hari pagkatapos ng pag-abo sa dating hari.
Salin: Vera