|
||||||||
|
||
Bukod dito, bunga ng pagkakamit ng in-orbit refueling technology, naisakatuparan ng programang pangkalawakan ng Tsina ang isang napakalaking technological breakthrough na makakapagpa-alis sa hadlang sa energy supply para sa pagtatayo at operasyon ng space station ng bansa. Ang Tsina ay naging ikatlong bansang sarilinang nagkaroon ng nasabing masusing teknolohiya sa usaping pangkalawakan.
Ayon sa nakatakdang plano, sa gitna at huling dako ng darating na Hunyo, isasagawa ng Tianzhou-1 ang ikalawang in-orbit refueling test. Layon nitong ibayo pang patibayin ang mga natamong bungang panteknolohiya ng bansa.
May napakahalagang katuturan ang misyon ng Tianzhou-1 para sa maalwang pagsasagawa ng mga susunod na tungkulin ng space station program. Dahil sa tagumpay na ito, masasabing pumasok na ang China aerospace program sa "Space Station Era."
Salaysay tungkol sa Tianzhou-1 at Tiangong-2:
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |