Isiniwalat kahapon, Biyernes, ika-18 ng Nobyembre 2016, ni Wang Zhaoyao, Puno ng China Manned Space Engineering Office, na ilulunsad sa unang hati ng susunod na taon ang Tianzhou-1, kauna-unahang cargo spacecraft ng Tsina.
Sinabi ni Wang, na pagkaraan ng matagumpay na misyon ng Shenzhou-11 manned spacecraft, ang susunod na hakbang ay paglulunsad ng cargo spacecraft. Aniya, ang mga tungkulin ng cargo spacecraft ay paghahatid ng mga pagkain, fuel, at iba't ibang uri ng kagamitan sa space station.
Ayon kay Wang, pagkaraang ilunsad sa unang hati ng susunod na taon, idadaong ang Tianzhou-1 sa Tiangong-2 space lab, at isasagawa ang mga pagsusubok, na gaya ng pagdaragdag ng fuel, at iba pa.
Salin: Liu Kai