Dumating kahapon, Abril 26, 2017, ang delegasyon ng Thailand na pinamumunuan ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand ng Hong Kong, at sinimulan ang 4-araw na pagdalaw sa Hong Kong.
Ipinahayag ni Jatusripitak na makikipagtagpo siya kay Lam Cheng Yuet-ngor, bagong halal na Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR). Sinabi niyang kahit hindi pa opisyal na nanunungkulan si Lam bilang punong ehekutibo, umaasa siyang ang Thailand ay magiging unang bansa na bibisita sa kanya, para mapalakas ang relasyong pangkooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan.
Sa panahon ng pagdalaw, idaraos din ng delegasyon ng Thailand ang mga aktibidad para i-promote ang pagkakataon ng pamumuhunan ng Thailand sa mga taga-HK. '
salin:lele