Sa isang panayam sa panahon ng Hannover Messe kamakailan, ipinahayag ni Li Yong, Direktor-Heneral ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), na may malalimang katuturan ang "Belt and Road" Initiative para sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.
Aniya, ang nasabing initiative na iniharap ng pamahalaang Tsino ay may realistikong katuturan ng pag-uugnay ng mga may kinalamang bansa, sa pamamagitan ng mga landas na pandagat at panlupa. Ang ganitong pag-uugnay ay hindi lamang magiging bilateral na pag-uuganayan sa aspekto ng kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan, kundi mapapawi rin ang ilang negatibong epektong dulot ng pandaigdig na krisis na pinansyal, at lilikhain ang isang bagong landas na pangkaunlaran, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng kaunlaran ng kalakalang pandaigdig.
Tinukoy pa ni Li na ang pundamental na layunin ng 2030 Agenda for Sustainable Development ay para mapawi ang kahirapan, at ang pinakamabisang paraan ng pagpapawi ng kahirapan ay pagpapaunlad ng kabuhayan. Sa prosesong ito, aktibong kinakatigan ng "Belt and Road" Initiative ang pagpapatupad ng nasabing agenda, at ipinagkakaloob ang malaking lakas-panulak.
Salin: Vera