Idaraos sa Beijing sa Mayo ang Belt and Road Forum for International Cooperation. Dadalo sa nasabing porum si Irina Bokova, Director-General ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO). Sa panayam sa China Radio Interntional, ipinahayag niyang kinakatigan niya at ng UNESCO ang nasabing initiative.
Sinabi ni Bokova na sa kasalukuyan, kinakailangan ang mas maraming mungkahing tulad ng "Belt and Road" Initiative, para tumulong sa pagsusuri ng mga desisyong pangkalakala't pampamumuhunan at relasyong pangkabuhayan; lalung lalo na aniya sa pagharap ng buong mundo sa banta ng terorismo at ekstrimismo. Ang "Belt and Road" Initiative ay may multiple information na gaya ng pagpapalitan, pagkakaiba-iba, at trans-kultural na diyalogo, at ito rin ay may kinalaman sa kasaganaan at kaunlaran, dagdag pa niya.
Buong pananabik na inantabayanan ni Bokova ang gaganaping porum sa Beijing. Sa ngalan ng UNESCO, umaasa siyang ihahayag sa porum ang mensaheng kinakailangan para magkaroon ng isang mundong may kapayapaan, may pag-uunawaan ng mga mamamayan, at pagbibigayan ng iba't ibang kultura.
Salin: Vera