Ayon sa ulat na inilabas sa Hong Kong ng Pricewaterhouse Coopers (PwC) Miyerkules, ika-15 ng Pebrero, 2017, noong isang taon, lumampas sa 493 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa larangan ng konstruksyon ng nukleong imprastruktura ng 66 na bansa at rehiyon sa kahabaan ng "Belt and Road." Kabilang dito, ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa mga proyekto sa Tsina ay katumbas ng 1/3.
Tinukoy ng ulat na pawang may pagtaas ang kabuuang bilang ng proyekto at karaniwang halaga ng pamumuhunan sa larangan ng konstruksyon ng 7 nukleong imprastruktura na gaya ng usaping pampubliko, transportasyon, telekomunikasyon, lipunan, konstruksyon, enerhiya, at kapaligiran.
Sa news briefing nang araw ring iyon, ipinahayag ni Simon Boock, Partner ng PwC sa Hong Kong, na sapul nang iharap ang "Belt and Road" Initiative noong 2013, laging may tunguhin ng pagtaas ang halaga ng pamumuhunan sa mga proyekto sa loob ng rehiyon, umabot sa 33% ang Compound Annual Growth Rate, at ipinagpatuloy ang ganitong tunguhin.
Tinukoy rin niyang 4.6% ang karaniwang paglaki ng GDP ng mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng "Belt and Road" noong isang taon, at ito ay mas mabilis kaysa 3.6% karaniwang paglaki ng mga bagong sibol na ekonomiya.
Salin: Vera