Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-15 ng Abril 2017, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na sa hinaharap, bibili ng mas maraming tren mula sa Tsina ang kanyang bansa.
Kamakailan, nilagdaan ng Ministri ng Komunikasyon ng Malaysia at China Railway Rolling Stock Corporation Zhuzhou Locomotive Co., Ltd. ang kontrata hinggil sa pagbili ng 22 tren. Ang halaga ng kontratang ito ay 800 milyong Ringgit o halos 1.25 bilyong yuan RMB at ang unang dalawang tren ay ibibigay sa panig Malay sa katapusan ng susunod na taon.
Kaugnay nito, sinabi ni Liow, na maganda ang kalidad ng mga tren na yari sa Tsina, at mababa ang gugulin para sa maintenance.
Positibo rin si Liow sa pagtatayo ng nabanggit na kompanyang Tsino ng pabrika sa Ipoh, Malaysia. Sinabi niyang lumikha ito ng maraming hanapbuhay sa Malaysia, at makakabuti rin sa paglilipat ng modernong teknolohiya ng paggawa ng tren sa bansang ito. Umaasa aniya siyang isasagawa ng dalawang bansa ang pangmatagalang kooperasyon sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai