Naglakbay-suri kamakailan si Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, sa ilang malaking proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa Malaysia.
Ang naturang mga proyekto ay sumasaklaw sa mga sektor ng oil refining, bakal at asero, konstruksyon ng paaralan, puwerto, paghahabi, solar energy, real estate, at iba pa.
Sinabi ni Huang, na sa ilalim ng mapagkaibigang relasyon at kooperasyong Sino-Malay, ang pagsasagawa ng dalawang bansa ng mga proyektong pangkooperasyon ay angkop sa komong hangarin at interes ng kani-kanilang mga mamamayan. Umaasa aniya siyang ang naturang mga proyekto ay makakatulong sa pagdaragdag ng mga hanapbuhay sa Malaysia, at pag-unlad at pag-a-update ng kabuhayang Malay.
Salin: Liu Kai