Ipinahayag unang araw ng Mayo, 2017 ng pangalawang tagapagsalita ng Tanggapan ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha na mas magiging mahigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng Thailand at Amerika.
Nauna rito, nag-usap sa telepono sina Punong Ministrong Prayuth Chan-ocha at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Ipinahayag ni Pangulong Trump ang pakikiramay sa pagyao ni Haring Bhumibol ng Thailand. Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa kalagayang panseguridad ng Asya, na kinabibilangan ng isyu ng Peninsula ng Korea. Umaasa rin si Trump na dadalaw si Prayuth sa Amerika.
Tinanggap naman ni Prayuth ang paanyaya ni Trump. Umaasa aniya siyang ibayong lalaki ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.