Magkasunod na naganap, Sabado ng gabi, ika-6 ng Mayo 2017, sa Quiapo, Manila, ang dalawang pagsabog, na ikinamatay ng 2 katao, at ikinasugat ng 6 iba pa.
Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ang unang pagsabog ay naganap sa tanggapan ni Nasser Abinal, Presidente ng Imamate Islamic Center. Ang bomba ay nasa loob ng isang paketeng dinala sa tanggapang ito. Nasawi sa pagsabog ang taong nagdala at tumanggap ng pakete. Samantala, 4 na iba pa ang nasugatan.
Ang ikalawang pagsabog ay naganap halos 3 oras pagkatapos ng una, malapit sa lugar kung saan isinagawa ni Chief Supt. Oscar Albayalde, Direktor ng National Capital Region Police Office, kasama ni Chief Supt. Joel Coronel, Direktor ng Manila Police District, ang media briefing hinggil sa unang pagsabog. Dalawang pulis ang nasugatan sa pagsabog.
Sa kasalukuyan, isinasagawa pa ng panig pulisya ang imbestigasyon hinggil sa motibo ng naturang dalawang pagsabog.
Salin: Liu Kai