Ipinadala Lunes, Mayo 8, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa bagong halal na Pangulong Pranses na si Emmanuel Macron.
Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na ang relasyong Sino-Pranses ay may mahalagang estratehikong katuturan at impluwensiyang pandaigdig. Aniya, bilang kapwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations (UN) Security Council at malaking bansang may mahalagang impluwensiyang pandaigdig, mayroong espesyal at mahalagang responsibilidad ang Tsina at Pransya para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig. Ang pagpapanatili ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay hindi lamang nakakabuti sa kanilang sarili at mga mamamayan, kundi nakakabuti rin sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng buong mundo, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng