|
||||||||
|
||
Ayon sa pagtaya ng mga polling agency ng Pransya, nanalo si Emmanuel Macron, Kandidatong Centrist sa halalang pampanguluhan gabi ng Linggo.
Ayon sa pagtaya ng research firm na BFMTV-Elabe, natamo ni Macron ang halos 66 na porsyento ng mga boto samantalang ang kanyang far-right na kalaban na si Marine Le Pen ay nakakuha naman ng 34 porsyento ng mga boto.
Ipinakita rin ng ibang estimasyon na nasungkit ni Macron ang 65% hanggang 66.1% ng mga boto.
Ayon sa nasabing mga resulta, ang 39 taong-gulang na dating ministro ng kabuhayan ng Pransya ay inaasahang magiging ika-8 pangulo ng French Fifth Republic. Siya rin ang magiging pinakabatang pangulo sa makabagong kasaysayan ng bansa.
File photo na kinunan Abril 23, 2017 kung saan makikita si Macron, bilang kandidato sa pagkapangulo habang bumabati sa kanyang mga tagapagsuporta sa isang rali, pagkaraan ng unang round ng halalan sa Paris, Pransya. (Xinhua/Jose Rodriguez)
Nagdiriwang ang mga tagapagsuporta ni Macron makaraang ipakita ng pagtaya na nanalo siya sa halalang pampanguluhan. (Mayo 7, 2017, Xinhua/Chen Yichen)
Salin/Web-editor: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |