Biyernes, ika-15 ng Hulyo, 2016—Kaugnay ng teroristikong pagsalakay na naganap Huwebes sa Nice, Pransya, magkahiwalay na nagpadala ng mesahe sina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Pangulong François Hollande at Punong Ministro Manuel Valls ng Pransya. Matinding kinondena nila ang nasabing marahas na insidente, at taos-pusong nakidalamhati sa mga nasawi, nasugatan, at kani-kanilang kamag-anakan.
Tinukoy ng mga lider na Tsino na ang terorismo ay komong bantang kinakaharap ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig. Buong tatag anilang tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng terorismo, at kinakatigan ang pangangalaga ng pamahalaang Pranses sa katiwasayan ng bansa. Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Pranses, na palalimin ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo, upang magkasamang pangalagaan ang kaligtasan at kapayapaan ng dalawang bansa, maging ng buong mundo, dagdag pa nila.
Salin: Vera