|
||||||||
|
||
Ipinahayag Marso 12, 2017 ni Jean-Marc Ayrault, Ministrong Panlabas ng Pransya ang pag-asang magtitimpi ang Turkey at mapapahupa ang tensyon sa relasyon sa mga bansa ng Unyong Europeo.
Winika ito ni Ayrault bilang tugon sa isang pagtitipong idinaos nang araw ring iyon, sa Metz, lunsod sa gawing silangan ng Pransya, at ito ay para suportahan ang reperendum ng Turkey sa pagsusog ng konstitusyon ng bansa.
Ayon sa ulat, dumalo sa nasabing pagtitipon si Ministrong Panlabas Mevlut Çavusoglu ng Turkey.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |