Nag-usap Sabado, Enero 28, 2017 sa telepono sina Pangulong Donald Trump ng Amerika, at kanyang counterpart na si François Hollande sa Pransya para talakayin ang mga isyu na gaya ng paglaban sa terorismo at trade protectionism, pagtanggap sa mga refugees, pagsasakatuparan ng Paris Agreement, at kooperasyong militar at pandepensa sa balangkas ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Ayon sa pahayag ng White House, umaasa si Pangulong Trump na pahihigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at paglaban sa terorismo. Inulit niya ang pangako ng Amerika sa NATO. Binigyang-diin niyang dapat isabalikat ng bawat kasaping bansa ang mga gastusin ng NATO.
Ayon naman ng pahayag ng palasyong pampanguluhan ng Pransya, ipinahayag ni François Hollande na dapat manatiling alerto sa trade protectionism. Sinabi pa niyang dapat patingkarin ang nukleong papel ng UN sa paglutas ng isyu ng Syria.