Ayon sa panig pulisya ng Indonesia, hanggang nitong Linggo, Mayo 7, 2017, sa 442 bihag na nakatakas sa Pekanbaru prison sa probinsyang Riau, Indonesia, arestado na ang 242, at tinutugis pa ang natitirang 200 iba pa. Bukod sa pinaigting na paghahanap sa mga takas, isasagawa ng Indonesia ang mahigpit na pagsasaayos sa mga piitan sa buong bansa na umiiral ang paglabag sa regulasyon.
Ayon sa local media Mayo 8, ang labis na bilang ng mga bihag sa naturang piitan ay sanhi ng insidente ng pagtakas. Ayon sa ulat, itatayo ng bansang ito ang mas maraming bilangguan.
Salin: Li Feng