Sinalakay kaninang madaling araw, Miyerkules, ika-4 ng Enero 2017, ng mahigit 100 pinaghihinalaang rebeldeng may dalang malalakas na sandata ang North Cotabato District Jail sa Kidapawan, lunsod ng lalawigang North Cotabato. Sa tulong ng mga ataker, tumakas ang di-kukulangin sa 158 bilanggo.
Sinabi ni Supt. Peter Bongngat Jr., Acting Provincial Jail Warden, na ito ay isang jailbreak na maiging pinagplanuhan. Ipinalalagay niyang ang mga armadong tauhan ay posibleng miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Ayon pa rin sa kanya, sa kasalukuyan, isinasagawa ng police special forces at panig militar ang operasyon sa karatig lugar, para tugisin ang mga tumakas na bilanggo.
Salin: Liu Kai