Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-4 ng Enero 2017, ng panig pulisya ng Pilipinas, na sa operasyon ng pagtugis sa mga bilanggong tumakas mula sa North Cotabato District Jail sa Kidapawan, lalawigang North Cotabato, napatay ang 5 bilanggo, nasugatan ang 4, at sumuko ang 2 iba pa.
Ang naturang bilangguan ay sinalakay nang araw ring iyon ng mahigit 100 pinaghihinalaang rebeldeng may dalang malalakas na sandata. 158 bilanggo ang tumakas sa tulong ng mga ataker. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon ang umaako ng responsibilidad sa atake.
Ayon naman sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas, nagtutulungan ngayon ang pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front sa pagtugis sa mga tumakas na bilanggo.
Salin: Liu Kai