|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Mayo 13, 2017, kay Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos na kalahok sa Belt and Road Forum for International Forum (BRF), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Lao, at sustenableng umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Laos sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, paggagalugad ng yaman, agrikultura, at koryente.
Dagdag pa niya, pinahahalagahan ng panig Tsino ang ginagawang papel ng Laos sa mga suliraning panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Boungnang Vorachith ang paghanga sa mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palalimin ang pakikipagdalawan sa mataas na antas sa Tsina, at palakasin ang kooperasyong Lao-Sino sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, at konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |