Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Pangulong Xi na ang layon ng konstruksyon ng "Belt and Road" ay isakatuparan ang estratehikong pag-uugnayan at pagkokomplemento ng bentahe ng isa't-isa, sa halip na maging isang bagong estratehiya. Kasalukuyang nakikipagkoordina ang Tsina sa mga polisya ng mga kaukulang bansa na gaya ng Unyong Ekonomiko ng Europa at Asya na iniharap ng Rusya, pangkalahatang plano ng konektibidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), "Bright Road" Initiative ng Kazakhstan, "Middle Corridor" Initiative ng Turkey, "Development Road" Initiative ng Mongolia, "Two Corridors, One Economic Circle" Initiative ng Biyetnam, "Northern Powerhouse" Initiative ng Britanya, at "Amber Road" Initiative ng Poland. Nilagdaan na ng Tsina at mahigit 40 bansa't organisasyong pandaigdig ang kasunduang pangkooperasyon, at nagsasagawa ito ng pakikipagkooperasyon sa mahigit 30 bansa sa larangan ng kakayahan sa produksyon. Sa panahon ng BRF, lalagdaan pa ng Tsina ang isang serye ng katugong kasunduang pangkooperasyon at plano ng aksyon, kung saan magkakasamang ilalabas kasama ng mahigit 60 bansa't organisasyong pandaigdig, ang proposal na pangkooperasyon na makakapagpasulong sa kalakalan sa kahabaan ng "Belt and Road."
Salin: Li Feng