Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ugnayan ng Dutertenomics at OBOR ng Tsina, inilahad

(GMT+08:00) 2017-05-15 18:50:14       CRI

Mga economic manager ng Pilipinas na kalahok sa panel ng Dutertenomics sa Beijing

Ginanap ngayong araw, Mayo 15, 2017 sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing ang press briefing hinggil sa ugnayan sa pagitan ng Dutertenomics at OBOR ng Tsina sa sidelines ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

Hangad nitong ipakilala sa mga mamumuhunang Tsino ang estratehiyang pangkaunlaran ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Layon nitong isakatuparan ang infrastructure network na mag-uugnay sa buong bansa.

Sa kanyang welcome remarks, ibinahagi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na naaangkop ang ilang elemento ng Dutertenomics sa Pan Asian Transportation Network na bahagi rin ng One Belt One Road (OBOR) Initiative ng Tsina.

Ang OBOR ay tinatawag ding Belt and Road, pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na isinusulongng Tsina para sa komong kasaganaan sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pag-uugnayan sa iba't ibang larangan.

Ipinahayag din ni Sec. Abella ang malugod na pagtanggap ng Pilipinas sa OBOR at kinikilala ito bilang isang daan upang maisakatuparan ang matagal nang pinapangarap na Pan Asian Connectivity ng Pilipinas.

Bilang pagpapatupad sa pagpapasulong ng konektibidad ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa, binanggit niyang noong isang linggo pinasinayaan ang Roll On Roll Off (RORO) ferry service na mag-uugnay sa Davao at General Santos ng Pilipinas at lunsod ng Bitung sa Indonesia.

Ibinahagi naman ni Kalihim Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtutulungang Pilipino-Sino sa mga proyekto ng kanyang kagawaran. Kabilang dito ay 2 tulay sa Metro Manila ang pinopondohan ng Tsina. Bukod dito, pinopondohan din ng Tsina ang P20B Davao Expressway Project at ang P40B Mindanao Basin Project.

Masiglang ekonomiya, magsusulong sa mga programang pang-imprastruktura

Ipinaliwanag naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, na bunga ng austerity measures na isinagawa ng Pilipinas noong economic crisis na naganap dekada 80 at 90, kailangang bawasan ang puhunan para sa imprastruktura. Resulta nito ay mas naunang naging moderno ang imprastruktura ng mga kapitbansa na doble ang inilagak na pondo sa kani-kanilang bansa.

Pero ngayon maalwan ang kalagayan at masigla na muli ang ekonomiya ng bansa. At maaari nang isulong ang investment-led economic development. Inaasahang lilikha ito ng trabaho at maraming oportunidad para sa mga mamamayan. Pero balakid aniya ang kawalan ng imprastruktura, mataas na halaga ng kuryente, at masisikip na lansangan at pantalan. Balak din isagawa ng Administrasyong Duterte ang comprehensive tax reform package.

Bagong modelo ng Hybrid PPP at paglipat sa investment driven economy

Ibinahagi ni Kalihim Benjamin Diokno ng Department of Budget Management ang fiscal strategy para maisakatuparan ang Dutertenomics kabilang dito ang pagsasagawa ng bagong Hybrid Public Private Partnership. Sa modelong ito ang pamahalaan ang mangangasiwa sa pag-de-risk ng proyekto. Pagkatapos saka papasok ang pribadong partner para ituloy ang operasyon at pagmimintena ng mga proyekto.

Patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa halip na Consumption and Industry driven ito ngayon ay itinutulak ng pamumuhunan. Ito naman ang sinabi ni Kalihim Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Dutertenomics. Sa ilalim ng Build Build Build Program makikinabang ang mga napag-iwanang rehiyon at inaasahang ang mga programang pang-imprastruktura ay makapagpapabuti sa antas ng kabuhayan ng mga mga mamamayan.

Trabaho para sa lahat lalo na mga OFW

Hinggil sa usapin ng kawalan ng trabaho sa bansa, ipinahayag ni Kalihim Silvestre Bello III, Secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lilikhain ng higit $160 B pamumuhunan sa Build Build Build Program ang Ginintuang Panahon na alok ay 12 milyong trabaho. Matutugunan din nito ang plano ni Pangulong Duterte na pabalikin sa bansa ang mga OFW at makakuha ng mga trabahong may maayos na sweldo.

Anim na kagawarang may kinalaman sa imprastruktura ang nagsanib pwersa para sa Dutertenomics. Kabilang dito ang Department of Finance, Budget Management, Transportation, Trade and Industry, Public Works and Highways at Labor and Employment.

Kasama rin ang National Economic Development Authority (NEDA) at ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Idinitalye ng mga kalihim ang mga proyektong lilikha ng mga makabagong mga imprastruktura sa buong bansa na nagkakahalaga ng $160 Bilyon at inaasahang matatapos sa taong 2022.

Ang nasabing mga kalihim ay miyembro ng delegasyong Pilipino na pinamumunuan ni Pangulong Duterte na kalahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2017.

Ulat: Mac Ramos

Editor: Jade

Web-editor: Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>