|
||||||||
|
||
Kinatagpo Lunes, Mayo 15, 2017, dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Rodrigo Duterte,Pangulo ng Pilipinas na kalahok sa the Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Tinukoy ni Xi na ang Pilipinas ay isang mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina, at mahalagang partner sa konstruksyon ng "Belt and Road." Ang paggigiit ng kooperasyong pangkaibigan ng mga kapitbansa para sa win-win situation ay tumpak na landas ng pag-unlad ng ralasyon ng dalawang bansa. Nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng Pilipinas, ang ugnayan ng estratehiya ng pag-unlad ng dalawang bansa, at nang sa gayo'y, matamo ang mas maraming bunga at makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan.
Binigyan-diin ni Xi na dapat pahigpitin ang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa mga mahalagang isyu para magbigay ng patnubay sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pilipinas sa tumpak na landas. Dapat palalimin ng dalawang panig ang pragmatikong kooperasyon sa pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura, pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal sa dagat, magkasanib na search and rescue, pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pakikibaka sa droga, at iba pa. Dapat pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon sa lehislatura, mga lokal na pamahalaan, kultura, kabataan, turismo at pagpalitan ng mga tauhan. Kumakatig ang Tsina sa Pilipinas bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at magpapasulong din sa relasyon ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagbati sa matagumpay na pagdaos ng BRF, aniya, ang "Belt and Road" Initiative ay tiyak na magpapasulong ng konektibidad ng Asya at paglaki ng kabuhayan, at magdudulot ng paghahanap-buhay at kasaganaan sa Pilipinas. Dinagdag pa niya, sa kasalukuyan, lumalakas ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, naging mahalagang mga partner, at napanumbalik na ang diyalogo at pagsasanggunian sa iba't ibang larangan. Pinasalamatan ng Pilipinas ang pagkatig ng Tsina sa pulitika, kabuhayan at kalakalan, pakikibaka sa droga at iba pa. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina, palalimin at palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang pagpaplitan ng kultura, at pahigpitin ang relasyon. Bukod dito, nagsisikap ang Pilipinas para palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at Tsina.
Pagkatapos ng pag-uusap, sumaksi ang dalawang pangulo sa paglagda ng mga dokumentong pangkooperasyon sa kabuhayan, teknolohiya, konstruksyon ng imprastruktura, human resources, enerhiya, news publishing at iba pa.
salin:Lele
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |