|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na ang Belt and Road Initiative na nagtatampok sa konektibidad ng imprastruktura ay katugmang-katugma ng pambansang planong pangkaunlaran (2017-2022) ng pamahalaang Pilipino.
Batay sa "Dutertenomics," bagong-lunsad na estratehiyang pangkabuhayan, itatatag ang Pilipinas bilang upper middle-income economy hanggang 2022, at lalapit sa high-income economy sa 2040.
Ito ang winika ni Pangulong Duterte sa magkasanib na panayam sa kanya ng mga Chinese media na nakabase sa Maynila bago siya tumungo lumahok sa gaganaping Belt and Road Forum for International Cooperation.
Pangulong Rodrigo Duterte sa magkasanib na panayam ng mga Chinese Media na nakabase sa Maynila na kinabibilangan ng Xinhua News Agency, China Central Television (CCTV), at China News Agency (CNA), noong Mayo 9, 2017.
Sinabi ng pangulong Pilipino na bilang isang umuunlad na bansa, ang Pilipinas ay umaasa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa para mapasulong ang malusog na kabuhayan at inklusibong pag-unlad.
Idinagdag pa niya na sa kanyang pagkakaalam, layon ng Belt and Road Initiative na itatag ang mga koneksyon sa iba't ibang bansa para maisakatuparan ang mutuwal na benepisyo na gaya ng paglaki ng kalakalan at pagpapadali ng pagpasok sa mga pamilihan.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na palalalimin pa niya ang kaalaman hinggil sa Belt and Road Initiative para malaman ang mas maraming posibleng larangan kung saan maaaring magtulungan ang Pilipinas at Tsina.
Pagtutulungang ASEAN-Sino
Kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Pilipinas. Ipinangako ng mga kasapi ng ASEAN na pabilisin ang pagtatatag ng ASEAN Community.
Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Duterte na lalahok din siya sa idaraos na Belt and Road Forum for International Cooperation bilang kinatawan ng ASEAN. Ipapaalam aniya niya sa gaganaping Forum ang mga hangarin at plano ng ASEAN. Inaasahan niya ang mas malawak na aktibidad na pangkabuhayan sa pagitan ng ASEAN at Tsina.
Belt and Road Initiative
Idaraos ang Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing mula ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo, 2017. Kumpirmadong lalahok sa Forum si Pangulong Duterte, kasama ng ibang 28 puno ng estado o puno ng gobyerno.
Ang "Belt and Road" o "One Belt and One Road" ay pinaikling tawag sa land-based na Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang inisyatibang ito na nagtatampok sa ekstensibong pagsasanggunian, magkakasamang pag-ambag at magkakabahaging kapakinabangan ay iniharap ni Pangulong Xi Jinping noong Setyembre, 2013.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |