Kinatagpo Martes, Mayo 16, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar na dumalo sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BFR) na idinaraos sa Beijing.
Tinukoy ni Xi na matagal na ang tradisyonal na pagkakaibigan at malawak ang komong interes ng Tsina at Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative para maisakatupran ang komong pag-unlad, at magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina na magkaloob ng kailangang tulong para sa kapayapaan sa loob ng Myanmar.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na ang "Belt and Road" Initiative ay magdudulot ng kapayapaan, kompromiso at kasaganaan sa rehiyon. Pinasasalamatan aniya ng Myanmar ang pagkatig at tulong Tsina. Nakahanda rin aniyang ang Myanmar na palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura at konstruksyon ng imprastruktura. Magsisikap ang Myanmar, kasama ng Tsina para pangalagahan ang seguridad sa rehiyong panghanggahan ng dalawang bansa, dagdag niya.
salin:Lele